Disyembre 25, 2017
e-visa

Ano ang E-Visa ng Vietnam?

Ano ang E-Visa ng Vietnam?

Ang e-visa ay isang alternatibo sa isang gawa sa papel na visa na iniisyu ng mga embahada ng Vietnam. Sa halip na mag-apply para sa isang visa sa mga embahada ng Vietnam, ang Kagawaran ng Pandarayuhan ng Vietnam (Immigration Department of Vietnam) ngayon ay nakapaglunsad na ng E-VISA na programa, na nagpapahintulot sa iyo na makapag-apply online para sa isang visa.

Ang e-visa ng Vietnam ay isang opisyal na dokumento na iniisyu online ng Kagawaran ng Pandarayuhan ng Vietnam (Immigration Department of Vietnam) na nagpapahintulot sa isang mamamayan ng ilang piling bansa upang makapasok at makapaglakbay sa Vietnam sa pinakamatagal na 30 araw gamit ang single entry.

Mga karapat-dapat na bansa (Eligible countries)

Ang mga mamamayan mula sa mga sumusunod na bansa ay karapat-dapat sa E-Visa na programa ng Vietnam:

Mga lugar sa pagpasok (Ports of entry)

Ang mga may hawak ng e-visa ay magagawang makapasok at makalabas ng Vietnam sa anumang tsekpoint sa 28 pandaigdigang tsekpoint na nasa ibaba:

Mga pandaigdigang paliparan (International airports)

  1. Noi Bai international airport sa siyudad ng Hanoi
  2. Tan Son Nhat international airport sa siyudad ng Ho Chi Minh
  3. Cam Ranh international airport sa siyudad ng Nha Trang
  4. Da Nang international airport sa siyudad ng Da Nang
  5. Cat Bi international airport sa siyudad ng Hai Phong
  6. Can Tho international airport sa siyudad ng Can Tho
  7. Phu Quoc international airport sa isla ng Phu Quoc
  8. Phu Bai international airport sa siyudad ng Hue

Tawiran sa border na lupain (Border land-crossing)

  1. Mong Cai border gate sa probinsiya ng Quang Ninh (border na kasama ang Tsina)
  2. Friendship or Huu Nghi border gate sa probinsiya ng Lang Son (border na kasama ang Tsina)
  3. Lao Cai border gate sa probinsiya ng Lao Cai (border na kasama ang Tsina)
  4. Nam Can border gate sa probinsiya ng Nghe An (border na kasama ang Laos)
  5. Cau Treo border gate sa probinsiya ng Ha Tinh (border na kasama ang Laos)
  6. Cha Lo border gate sa probinsiya ng Quang Binh (border na kasama ang Laos)
  7. Lao Bao border gate sa probinsiya ng Quang Binh (border na kasama ang Laos)
  8. Bo Y border gate sa probinsiya ng Kon Tum (border kasama ang Cambodia at Laos)
  9. Moc Bai border gate sa probinsiya ng Tay Ninh (border kasama ang Cambodia)
  10. Xa Mat border gate sa probinsiya ng Tay Ninh (border kasama ang Cambodia)
  11. Tinh Bien border gate sa probinsiya ng An Giang (border kasama ang Cambodia)
  12. Song Tien border gate sa probinsiya ng Tien Giang (border kasama ang Cambodia)
  13. Ha Tien border gate sa probinsiya ng Kien Giang (border kasama ang Cambodia)

Mga Puwertong Pandagat (Sea Ports)

  1. Hon Gai port sa probinsiya ng Quang Ninh
  2. Hai Phong port sa probinsiya ng Hai Phong
  3. Nha Trang port sa siyudad ng Nha Trang (probinsiya ng Khanh Hoa)
  4. Da Nang port sa siyudad ng Da Nang
  5. Quy Nhon port sa siyudad ng Quy Nhon (probinsiya ng Binh Dinh)
  6. Vung Tau port sa siyudad ng Vung Tau (probinsiya ng Ba Ria Vung Tau)
  7. Ho Chi Minh port sa siyudad ng Ho Chi Minh

Mga Rekisitos sa pag-apply para sa e-visa:

– Ang lahat ng mga aplikante ng e-visa ay dapat na naninirahan sa labas ng Vietnam.

– May hawak na balidong pasaporte na dapat ay balido sa hindi bababa sa anim (6) na buwan pagdating sa Vietnam.

– At mayroong email address para sa komunikasyon at pagtanggap ng kanilang e-visa.

– Isang kopya ng iyong pasaporte at digital na larawan ay kailangan upang kumpletuhin ang online form. Matuto nang higit pa

  • Aming nirerespeto ang iyong mga karapatan sa privacy at imahe.
  • Hindi namin ibinibigay o ibinebenta kaninuman ang iyong larawan at kopya ng
    pasaporte.
  • Hindi namin kailanman ginagamit sa pag-aanunsiyo o anumang iba pang aktibidad sa pangangalakal ang iyong mga imahe at kopya ng pasaporte.

Ano ang hitsura ng e-visa ng Vietnam

Mangyaring tingnan sa ibaba para sa halimbawa ng isang e-visa ng Vietnam.

Isang halimbawa ng eVisa Vietnam

Isang halimbawa ng eVisa Vietnam

Bakit pipiliin ang isang E-visa?

– Ang e-Visa Vietnam ay isang opisyal na awtorisasyon ng visa mula sa Kagawaran ng Pandarayuhan ng Vietnam (Immigration Department of Vietnam). Isa itong simpleng elektronikong aplikasyon na nagpapahintulot sa mga manlalakbay na mag-apply ng direkta online, pinasisimple ang mga pamamaraan upang makapasok sa Vietnam. Hindi katulad ng “visa on arrival”, ang E-visa ay hindi nangangailangan ng anumang aplikasyon para sa isang “approval letter” at syempre, hindi mo na kailangang huminto sa tanggapan ng “landing visa” upang kunin ang visa.

– Ang e-visa ng Vietnam ay nagpapahintulot sa iyo na makapasok ng Vietnam sa pamamagitan ng mga paliparan, mga puwertong panlupa at puwertong pandagat. Mainam ito para sa paglalakbay sa Vietnam sa pamamagitan ng eroplano, lansangan o barkong panglayag.

Hindi kailanman naging mas simple pa ang mga visa gaya ditto.
HETO KUNG BAKIT:
Pagtatatuwa: Hindi kami isang website ng gobyerno o kaanib ng embahada. Isa kaming komersyal na website para sa pagkonsulta at pagsuporta sa pagkuha ng visa para sa Vietnam.